COMELEC chief Garcia, may patunay na umanong walang offshore bank accounts

Nag-isyu ang dalawang bangko sa Cayman Islands ng certifications na nagsasabing ang umano’y mga offshore accounts ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia ay non-existent.

Ito ang sinabi ni Garcia sa gitna ng isyung may hawak umano siyang offshore bank accounts.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Ayon sa komisyoner, nakipag-ugnayan siya via online sa Scotiabank at Cayman National Bank para malaman kung talagang may bank accounts sa kanilang system na nakapangalan sa kanya.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Sagot ng mismong bangko – wala silang account na nakapangalan sa poll body chief.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Manila kay Garcia, sinabi nitong ang impormasyong ito ay ilalahad niya sa press conference bukas.