Isa, patay sa sunog na sumiklab sa Bacoor, Cavite

Isa ang kumpirmadong nasawi habang nasa 600 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sitio Wawa, Barangay Longos, Bacoor City, Cavite kaninang madaling araw.

Sa impormasyon mula sa Bacoor Bureau of Fire Protection, pasado ala una ng magsimula ang sunog.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Tumagal ng halos tatlong oras bago tuluyang naapula ang apoy na umakyat pa sa ikalawang alarma.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Sa ngayon, pansamantala munang nananatili sa Longos Elementary School ang mga pamilyang nasunugan.

Tinatayang nasa kalahating milyong piso naman ang halaga ng pinsala ng sunog at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng apoy.