Nagtapos na sa Advance ROTC Academic Phase Training o ARAPT ang kabuoang 395 na cadets mula sa iba’t-ibang paaralan sa rehiyon kung saan ginanap ang aktibidad sa 2nd Regional Community Defense Group RESCOM, Philippine Army sa Barangay Soyung, Echague, Isabela.
Nagsilbing panauhing pandangal sa pagtatapos ng mga kadete at pagsisimula ng pagsasanay ng mga civilian volunteers si MGen Gulliver Señires ang Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army.
Sa nasabing bilang ng mga nagsipagtapos, 259 cadets ang kabilang sa MS 31/32 CL 02-2024 habang 136 cadets naman ang mula sa MS 41/42 Class 02-24 na maaari nang magpa-commission sa Armed Forces of the Philippines.
Mayroon namang 120 na civilian volunteers ang pumasok sa BCMT CL – 02 – 2024 ang ipinakilala kahapon.
Ang naging talumpati ni MGen Señires sa mga nagsipagtapos ay nakasentro sa pagmamahal sa bansa at pagpapatuloy ng mga kadete ng kanilang nasimulan na maglingkod sa bayan.