Siphoning ng sea water sa lumubog na MT Jason Bradley sa Bataan, inaasahang masisimulan na bukas – PCG

Inaasahang masisimulan ng bukas ang siphoning ng sea water sa lumubog na MTKR Jason Bradley sa Bataan.

Ayon kay PCG Bataan station commander Lt. Commander Michael John Encina, patapos na ang fabrication ng gagamting siphoning pipes na ikakabit sa MT Jason Bradley para palutangin ito.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Unang hihigupin ng siphoning pioes ang sea water sa barko para lumutang saka hihigupin ang 5, 500 liters ng diesel oil na karga nito.

Read More:  ICC cancels July 14 status conference in Duterte crimes against humanity case

Inaasahang ngayong araw ay matatapos ang installation ng pipes.

May mga nakalatag na rin containement measures sa lugar at wala ng nakikitang oil sheen doon.

Ayon kay Encina, sa susunod na linggo inaashaang nakalutang na ang barko.