Formal preliminary investigation, ikakasa ng COMELEC vs Guo kasunod ng inaprubahang misrepresentation case

Susunod na ang formal preliminary investigation ng Commission on Elections (COMELEC) para sa kaso ni suspended Bamban Mayor Alice Guo dahil sa misrepresentation.

Ito ay matapos aprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagsasampa ng criminal case laban kay Guo.

Read More:  Napolcom to probe possible liability of police linked to Tacloban school shooting

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay COMELEC chairman George Garcia, sinabi nitong sa bahaging ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang alkalde na sagutin ang akusasyong ibinabato laban sa kanya.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Samantala, kabasay ng nalalapit na filing ng COCs para sa nalalapit na halalan, binigyang-diin ni Garcia na dapat magsilbi nang warning ang nangyari kay Guo hinggil sa misrepresentation.