Binata, natagpuang patay sa sariling bahay

Bangkay na nang matagpuan ng otoridad ang isang lalaki sa loob ng bahay nito sa Purok Maawain, Mother Barangay Poblacion Cotabato City kaninang alas 10:43 ng umaga.


Kinilala ng Police Station 1 ang biktima na si Arthur Gumandel alyas Aratuc, 49 years old, binata at isang self employed individual.


Ayon sa kapulisan, nang matanggap nila ang impormasyon bandang alas 10:40 kaninang umaga, agad nila itong tinungo kasama ang forensic unit ng Cotabato City Police Office.

Read More:  16 villages in Jose Abad Santos isolated after magnitude 7.8 quake


Natagpuan nilang naka-dipa sa sahig ang biktima at nakitaan nila ito ng tama ng bala ng baril sa dibdib at sa mga kamay na pinaniniwalaang tumapos sa kanyang buhay.


Nakatagpo ang mga pulis ng basyo ng bala ng Caliber 45 type na baril.

Read More:  3 dead, 4 injured after magnitude 7.8 quake in Region 12


Nabatid ng mga pulis mula sa mga kapitbahay ng biktima na nakarinig sila ng putok ng baril bandang alas 10:00 kagabi.


Tinutukoy ng kapulisan ang nasa likod ng krimen ang motibo nito sa pagpaslang, bagamat ayon sa record ng kapulisan, minsan nang nahuli ang biktima dahil sa iligal na droga.