Bataan – muling isasailalim sa state of calamity

Muling isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Bataan.

Matatandaaang nasa state of calamity pa ang probinsya nitong July 24 dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Carina at ng Habagat.

Read More:  Leila de Lima eyes libel, cyberlibel decriminalization

Ngayon – inaprubahan na ni Bataan Gov. Joet Garcia ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan para sa naturang deklarasyon dahil sa epekto ng oil spill mula sa dalawang mga barkong lumubog, at isang sumadsad.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Nakasaad dito na aabot sa 17,000 mga mangingisda sa lalawigan ang apektado ng oil spill.

Dahil dito, magagamit muli ang karagdagang pondo para naman matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pangkabuhayan ng mga taga-bataan.