Bilang ng mga naipasok sa mga illegal drugs rehabilitation program ng PNP Bicol, pumalo na sa mahigit 62K indibidwal

BNFM Bicol-PUMALO sa kabuoang 62, 271 ang naitala ng Philippine National Police na bilang ng mga indibidwal na kanilang naipasok sa rehabilitation program ng pamahalaan dahil sa ilegal na droga.

Sa bilang na ito, aabot sa 44, 950 ang mga nakapagtapos na sa inilaang Community-Based Drug Rehabilitation Program kasabay ang halaga ng kanilang nakumpiskang ilegal na droga na aabot sa PHP224, 273, 692. 71.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Dagdag pa ng PNP Bicol, sa 2, 793 na mga lugar sa rehiyon na itinuturing na drug-affected areas, 2, 362 rito ang deklaradong “Cleared” na sa presensya ng ipinagbabawal na gamut at 431 naman ang nananatiling drug-affected areas.

Read More:  ₱700K worth of unregistered Korean luncheon meat seized in Cebu City

Ang datos na ito ay naiatala ng PNP Bicol noong July 1, 2022 hanggang July 31, ngayong taon. ### KENNETH BERMIL  

*Based on the data given by the Regional Director of PNP Bicol during the Kapihan sa Bagong Pilipinas on August 6, 2024.