Higit ₱2.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu at marijuana, nasabat sa Sariaya at Padre Burgos, Quezon

Timbog ang tatlong indibidwal matapos ang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Sariaya at Padre Burgos, Quezon nitong Agosto 4 hanggang 5.

Sa Padre Burgos, Quezon, nadakip ang mga suspek na sina alyas “King” , 41-anyos at alyas “Mama Sang”, 42-anyos habang sa bayan ng Sariaya naman nadakip ang isa pang suspek si alyas “Alas”, 49-anyos.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City
Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Nasamsam sa mga suspek ang hinihinalang droga na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱2,100,000.

Samantala, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.