Pinagmulan ng sunog na kumitil sa 11 sa Binondo – inaalam pa ng BFP

Tuluy-tuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naging sanhi ng apoy sa sunog sa Binondo sa Maynila.

Sa ngayon, muling ibinaba sa 11 ang bilang ng mga kumpirmadong namatay sa sunog.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Sa ulat ng mga otoridad, pinaniniwalaang na-trap ang mga biktima sa nasulog na gusali sa isang commercial building sa Nueva St (Carvajal) sa Binondo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), posibleng nagsimula ang apoy sa isang karinderya sa unang palapag ng gusali.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Kaninang alas-diyes kuwatro ng umaga nang maapula ang apoy na umakyat pa sa ikalawang alarma.

Sa ngayon, dinala na sa purenarya ang labi ng 11 biktima.