4 na lalaki, arestado sa magkahiwalay na buy bust operasyon

Himas-rehas ang 4 na lalaki sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng PDEA sa Central Visayas noong Miyerkules.

Unang naaresto sina Alyas Plong-plong, 23-anyos; Christopher, 23-anyos, at Jessie, 30-anyos sa ikinasang operasyon alas 06:44 ng gabi sa Panglao, Bohol.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Nakuha ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P103,000.

Samantala, sa Barangay Cadawinonan, Dumaguete City, Negros Oriental naaresto ang street pusher na si Alyas Joric, 48-anyos.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Umabot ng 40 grams ng shabu ang nasabat may average market value na P272,000.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng mga naaresto.