Mga PDL sa Kalinga, maaari nang mag-aral sa kolehiyo habang nasa piitan

Maaari nang kumuha ng kurso sa kolehiyo ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa probinsya ng Kalinga matapos ang pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kalinga State University at District Jail.

Read More:  11 arrested after alleged ecstasy drug den busted in Davao City

Ang implementasyon ng programang College Education Behind Bars ay layuning bigyan ng oportunidad ang mga PDL na mag-aral sa kursong kanilang pipiliin.

Sa pamamagitan ng kasunduan ay anim na PDL na nasa 20-anyos hanggang 30-anyos ang kwalipikadong mag-enroll sa KSU na dadaan pa sa assessment ng registrar ng Unibersidad.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Kaugnay nito, ilan sa nabanggit na mga PDL ay dating estudyante ng kolehiyo bago nakulong habang ang iba naman ay nagtapos na sa Alternative Learning System.