6K fully-grown marijuana plants sa Cebu, binunot

Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng plantasyon ng marijuana na natagpuan ng Special Operations Unit 7 PNP Drug Enforcement Group.

Natagpuan ito sa Barangay Bayong sa bayan ng Balamban, Cebu City

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Agad namang binunot ng mga otoridad ang mahigit isang milyong pisong halaga ng marijuana noong hapon ng Martes, Hulyo 30, 2024.

Ito’y kasunod ng kanilang pagsalakay sa 1,000 square meters na taniman ng marijuana matapos makatanggap ng impormasyon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nasa anim na libong piraso ng mga fully grown marijuana ang kanilang nabunot na aabot sa halagang P1.2milyon.

Walang namang nadatnang cultivator sa naturang plantation site at agad na sinunog ang mga tanim.