Fish samples sa Bataan, pasado pa rin sa sensory test ng BFAR

Pasado pa rin sa sensory analysis ang mga sample ng isda mula sa Bataan kung saan nangyayari ang matinding oil spill mula sa MT Terra Nova.

Ayon sa Bataan Oil Spill Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sinuri nila ang mga fish samples mula Limay, Orion, Balanga City, at Samal para sa taste, raw odor, at cooked odor.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ngunit idinagdag ng BFAR na kailangan pa ng mas masusing laboratory tests para malaman kung kontaminado na ang mga isda sa lugar.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Hindi pa naglalabas ang Bureau ng fishing ban sa mga katabing tubig na hindi pa rin apektado ng oil spill.

Hinimok din nito ang mga mangingisda at ang publiko na manatiling “kalmado” sa gitna ng insidente.