Komprehensibong plano laban sa ‘unli baha’ sa Pilipinas, panawagan ng isang senador

Binalikan ni Senador Joel Villanueva sa kanyang naging talumpati ang mga nagdaang karanasan ng mga Pilipino sa paghagupit ng iba’t ibang bagyo.

Kung saan, sampung taon na ang nakakalipas ng may magtali umano ng kanyang sasakyan sa poste sa Hagonoy, Bulacan upang hindi lang ito maanod ng rumaragasang tubig dahil sa baha.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ayon kay Villanueva, sa kabila ng kanilang mga naging aksyon sa kapulungan mula noong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay tila wala pa ring pagbabago at nakakaranas pa rin ng ‘unli baha’ ang Pilipinas.

Kasunod nito, nakiusap siya sa mga ahensya ng gobyerno na bumuo ng komprehensibong plano upang maresolba ang mga ganitong pagbaha.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Anya, hangga’t wala kaseng ganito ay mananatili ang ‘unli baha’ sa bansa pero hindi naman ‘unli resilience’ ang mga Pilipino at wala rin naman silang ‘unli buhay’.

Matatandaan, sinasabing mayroong nakalaang P1.44 bilyon kada araw para tugunan ang problema sa pagbaha.