Traffic violators, naobserbahan sa pagbubukas ng S/Y 2024-2025

NAGA CITY-Maagang pumasok ang mga estudyante sa Naga City sa  Balik Eskwela 2024, tulad ng inaasahan naobserbahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada lalo na sa tinaguriang university belt ng lungod.

Hindi pa man nangangalahati ang araw kahapon, Hulyo 29, sinabi ni PLTCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng Naga City Police Office na mismong si City Director PCOL. Erwin Rebellion ang nakasaksi sa sitwasyon. May mga na wheel clamp, may mga pumarada sa itinalagang loading and unloading area.  Kaya naman, muling nagpatawag ng conference upang i-improve ang sitwasyon at mapagaan pa ang daloy ng trapiko.

Read More:  1,840 liters of diesel worth ₱184,000 seized in Negros Occidental
Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Samantala, ang magulang na si Analiza Paulino , pabor sa shifting ng klase dahil kung sabay-sabay aniya mas mahirap sumakay. Pinuri naman nito ang naging sistema sa enrollment hanggang sa paghahanap ng classrooms hanggang sa pagpasok ng mga estudyante.