Pagkalat ng NAIA video ni VP Sara – malinaw daw na ‘banta’ sa kaniyang buhay

Kinwestyon ni Vice President Sara Duterte si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil hinggil sa usapin ng ‘threat’ o banta.

Sa isang open letter ni VP Sara kay Marbil, tinanong nito ang PNP chief kung ang kumalat bang video nito sa paliparan kasama ang kanyang pamilya ay hindi pa rin matatawag na ‘threat’ para sa kanya.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Ito ay kaugnay ng pagtatanggal ng ilang mga PNP personnel sa security ng bise presidente, dahil wala umanong banta sa buhay ni Duterte.

Giit ni VP Sara, ang footage mula sa lugar kung saan pawang mga empleyado lamang ng paliparan at piling mga tao ang maaring nandoon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Hindi na nga raw bale kung siya lang ang nasa video, ang kaso – naisapubliko na rin ng video ang kanyang asawa at mga menor de edad na anak.