DSWD, nakapamahagi na ng halos isang milyong family food packs sa mga apektado ng Carina, Habagat

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng mga family food packs sa mga apektado ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.

Sa ulat ng DSWD as of 5PM kahapon, nakapamahagi na sila ng 935 thousand 549 family food packs sa limang rehiyon.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kabilang dito ang National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol region.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Muli namang binigyang diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga personnel ang instruction ni Pangulong Bongbong Marcos na tiyaking mabibigyan lahat ng mga pamilya at indibidwal na sinalanta ng bagyo at Habagat.