DOLE, naglaan ng P176 milyon para sa pansamantalang hanapbuhay ng mga sinalanta ng bagyong Carina

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga residenteng naapektuhan ng bagyong Carina at habagat.

Partikular na dito ang mga residente sa Bulacan, Pampanga, at Bataan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, naglaan ang pamahalaan ng P176 milyon para sa ayuda na ipagkakaloob sa pamamagitan ng TUPAD program ng gobyerno.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa local government units para makakuha ng impormasyon ng mga residenteng dapat mabigyan ng agarang pansamantalang hanapbuhay dahil sa epekto ng bagyo.