Motorsiklo, nasagi ng dump truck; menor-de-edad, patay

SORSOGON CITY – Patay ang 12-anyos na high school student sa isang aksidente sa kalsada sa kahabaan ng Coastal Road na sakop ng Brgy Cambulaga, West District, Sorsogon City.

Ang menor-de-edad na back rider ay binawian ng buhay dahil sa pinsala sa ulo matapos na mahulog ito sa kalsada.

Kinilala ng mga awtoridad ang driver ng motorsiklo na si Jusczyk-Ray Are, 33-anyos, may asawa, guro sa Brgy Buhatan, Sorsogon City.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Kinilala naman ang driver ng trak na si Jomar Jamisola Jeniebre, 34-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Basud, West District, Sorsogon City.

Ayon sa imbestigasyon ng Pulisya, magkaparehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan, mula sa Brgy Cambulaga patungong Brgy Pangpang nang masagi ng dump truck sa pakurbadang daan ang motorsiklo.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Bunsod nito, tumilapon sa kalsada ang driver ng motrosiklo at ang kanyang backrider.

Nagtamo ng maliliit na gasgas sa kanyang katawan ang driver ngunit hindi na umabot ng buhay ang kanyang menor-de-edad na back rider.