Agarang tulong sa mga magsasaka ng CL, ipinag-utos ni Pang. Marcos sa D.A

Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture sa agarang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda sa Central Luzon.

Ito ay para sa mga naapektuhan ng bagyong Carina at Habagat nakalipas na mga araw.

Nais ng Pangulo na makahabol ang mga magsasaka sa planting season para hindi mawalan ng hanapbuhay.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nitong Sabado ng umaga ay nagsagawa ng briefing si Pres. Marcos sa mga local chief executives ng Bulacan, Bataan at Pampanga, mga probinsya sa rehiyon na labis na naapektuhan ng bagyo at isinailalim sa state of calamity.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Samantala, kaugnay nito, nagsagawa rin ng aerial inspection ang Punong Ehekutibo sa mga nabanggit na probinsya para alamin ang lawak ng pinsala ng Bagyong Carina at sa sitwasyon sa lugar kung saan lumubog ang MT Terra Nova.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Presidential Communications Office