24/7 disaster response para sa mga magsasaka, tiniyak ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang pagtugon sa mga concerns sa sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina at habagat.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang mga concerns ay maaaring tanggapin sa bawat regional field offices.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sinabi rin ni De Mesa na pwedeng idirekta ng mga magsasaka sa DA regional offices at municipal agriculturists ang kanilang mga hinaing o problema.

Samantala nagpapatuloy naman ang 24/7 operasyon ng DA – Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) upang mai-evaluate nang maayos ang epekto nang habagat at Bagyong Carina sa buong sektor.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Una nang sinabi ng DA na higit-kumulang 500,000 hanggang 600,000 MT production loss ang inaasahan kada taon dahil sa mga kalamidad.