DOH, magbabakuna sa mga evacuation center

Sasamantalahin ng Department of Health ang pagkakataon na makapagbakuna sa mga bata habang nasa evacuation centers ang karamihan sa kanila.

Sa situation briefing sa Bulacan, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na plano nyang magpalabas ng bakuna para sa mga unvaccinated children para sa anti-measles.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Agad namang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang plano ni Secretary Herbosa, dahil mas madali na raw itong maisagawa ngayong nasa iisang lugar ang mga bata.

Samantala, iniulat din ni Herbosa na may isang limang taong gulang na bata sa Baliuag, Bulacan ang namatay dahil sa severe diarrhea.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Hindi naman malinaw kung namatay ito habang nasa evacuation center.

Pero nagbigay ng health warning si Herbosa sa mga health center na tiyakin ang safety ng mga potable water.