Barangay Kapitana na kumupkop sa mga bakwit sa DOS, pumanaw

Pumanaw na ang barangay kapitan ng Barangay Dinaig Proper sa bayan ng Datu Odin Sinsuat na si Barangay Chairwoman Bai Lawan Sinsuat-Dalidig bandang alas 9:00 ng umaga kahapon.


Nagawa pa umanong bisitahin ng opisyal ang mga bakwit na pansamantalang nanunuluyan sa kanyang barangay bago binawian ng buhay.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city


Nanungkulan sa loob ng mahabang panahon si Kapitana Dalidig kaya naman nagdadalamhati ngayon ang halos buong barangay gayundin ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng DOS.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil


Di naman mabatid kung ano ang dahilan ng di inaasahang pagpanaw ng opisyal at iaanunsyo nila sa mga susunod na araw ang kanyang Tahjiah kanduli.