Higit 90 na mga paaralan – ‘di makakapag-balik-eskwela sa Lunes

Higit 90 mga pampublikong paaralan ang nakatakdang mag-postpone ng pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, inaasahan pang mas tataas ang bilang ng mga paaralang magpapatupad ng late opening of classes sa mga susunod na araw.

Read More:  DOJ expects Apollo Quiboloy’s extradition case could move forward within months

Samantala, kasalukuyang naghihintay ng ulat ang Department of Education (DepEd) sa kanilang regional directors hinggil sa rekomendasyon na i-postpone ang pagbubukas ng klase sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Sa ngayon, ang mga schools na lubhang apektado ng bagyo ay naitala sa National Capital Region, Regions III, at IV.

Mababatid na sinabi rin ni Angara na may sariling discretion ang mga public schools kung kailan nila bubuksan ang pagsisimula ng klase.