Bilang ng mga indibidwal na nananatili ngayon sa mga evacuation centers – lumobo pa sa mahigit 200K

Lumobo pa sa mahigit 200 libo ang bilang ng mga indibidwal na nananatili ngayon sa mga evacuation centers mula sa 16 na rehiyon dahil sa epekto ng Habagat, Bagyong Butchoy at Carina.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, katumbas ito ng 53,414 families na pansamantalang tumutuloy sa 820 evacuation centers.

Samantala sa kabuuan, umabot na ng 1, 319, 467 o 299,344 families ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa ngayon, nakapagbigay na ng mahigit 61 milyon pesos na tulong ang pamahalaan sa mga apektadong pamilya.