Isang Pinay na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme, naharang sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isa na naman Pinay na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme.

Ayon sa BI, sa gitna ng hagupit ng bagyong Carina nitong Miyerkules, tinangkangmakasakay ng Pinay sa Xiamen air flight patungong Chengdu, China kasama ang umano’y asawang Chinese.

Read More:  TDC: education should be prioritized over lowering age of criminal liability

Nagpresenta ang dalawa ng genuine PSA marriage certificate at mga larawan upang patunayan na sila’y kasal.

Gayunpaman, kalaunan ay inamin ng biktima na isang fixer ang nag-ayos ng lahat ng kanilang pekeng marriage documents sa halagang P45,000.

Read More:  CWC: protect children’s rights when sharing content on violent incidents

Dahil dito, muling nanawagan si Immigration Commissioner Norman Tansingco , sa mga Pilipinong naakit na magtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng mail order bride scheme.

Tinurn-over na ang Pinay at ang Chinese national sa inter-agency council against trafficking para sa karagdagang imbestigasyon.