Hindi na nagulat pa si dating Philippine National Police (PNP) chief Sen. Ronald Bato Dela Rosa sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa ipinost ni dating Senador Sonny Trillanes.
Mababasa sa post ni Trillanes, na isa si Dela Rosa sa mga itinuturing na suspek ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war-on-drugs probe sa administrasyong Duterte.
Ngunit sa kabila nito, dedma naman si Dela Rosa rito dahil mula noong 2016 ay lagi naman na umanong nababanggit ang kanyang pangalan dito.
Dagdag pa niya, tila ‘broken record’ lang din ito na paulit ulit ang linya.
Matatandaan, kamakailan, sinabi ni Trillanes na mayroong nakatakdang arrest order na isisilbi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at maging sa ilan pang indibidwal bagamat pinabulaanan na ng local officials ang tungkol dito.