ASF case sa North Cotabato nadagdagan pa

Nakapagtala na naman ng panibagong kaso ng African Swine Fever ang probinsya ng North Cotabato.

Kahapon, araw ng Hwebes July 25, 2024 nang maitala ang panibagong kaso ng ASF sa lalawigan kung saan mula ang mga ito sa mga barangay ng Malangag, Dolores at Camutan sa bayan ng Antipas; Brgy. Kawayanon, New Cebu, Luna Norte sa bayan naman ng Makilala at Brgy. Sarayan sa bayan ng Matalam.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros
Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nagpaalala naman ang Office of the Provincial Veterinarian ng North Cotabato na mag-ingat at sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad nila para makaiwsa sa pagdami ng ASF.