Bagong LPA – na-monitor sa loob ng PAR

Bagama’t umayos na ang kalagayan ng panahon, may namumuo na namang panibagong Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataana sa layong 1,035 km silangan ng Southeastern Mindanao.

Read More:  Sen. Imee Marcos urges Senate to complete flood control probe

Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktong epekto sa anumang bahagi ng bansa dahil malayo pa ito sa ating kalupaan.

Sa kabila ng paglabas ng Bagyong Carina sa bansa, patuloy pa rin itong nagbabanta ng malalakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Apektado rito ang ilang bahagi ng Luzon, partikular na sa Ilocos Region, Abra, Apayao, Benguet, Zambales, at Bataan.