Price freeze, umiiral na sa NCR kasunod ng deklarasyon ng state of calamity

Agad ipinag-utos kahapon ng Department of Trade and Industry ang pagpapatupad ng price freeze sa buong National Capital Region.

Kasunod ito ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa bagyong Carina at Habagat.

Sakop ng price freeze ang mga essential goods at basic necessities tulad ng bigas, mais, tinapay mga gulay, root crops, karne ng baboy, baka at manok.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Gayundin ang itlog, kape, asukal, gatas, at mantika,

Kasama rin sa price freeze ang sabon, kandila, at ilang uri ng gamot.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Layon ng price freeze na maprotektahan ang publiko sa hindi makatwirang pagtaas ng mga bilihin sa panahon ng sakuna.

Ayon sa DTI, effective immediately ang price freeze.

Dahil dito activated na ang monitoring team ng DTI upang mahigpit na maipatupad ang price freer.