Calamity aid ng gobyerno, inihahanda ng DBM

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na nakahanda ang calamity aid o tulong para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Budget Secretary Aminah Pangandaman, naka-standby ang nasa 11.1 milyong pondo, na gagamitin para suportahan ang operasyon para sa disaster, rescue, at relief.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Sa ngayon, pinayuhan ng kalihim ang mga ahensya ng gobyenrno na maari na nilang gamiting ang kanilang Quick Response Fund (QRF) na nasa alokasyon ng kani-kanilang budget.

Ilan sa mga ahensyang may nakatalagang Quick Response Fund ay ang DSWD, DA, DPWH, DepED, DOH, PCG, BFP, PNP, at OCD.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Saad pa ni Pangandaman, maari pang humiling ng karagdagang pondo ang mga nasbing ahensya sa oras na magamit na nila ang 50% ng QRF.