Manila DRRMO – nag-rescue rin ng mga pets

Ni-rescue na rin ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang ilang mga pets sa gitna ng mataas na lebel ng baha dahil sa sama ng panahon.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Dala ang mga rescue boats at mga kagamitan, nagtungo ang mga rescuers sa ilang bahay para mailikas ang mga hayop doon.

Binuhat ng mga tauhan ng MDRRMO ang mga alagang hayop, o kaya naman ay isinakay sa mga timba upang madala sa rescue boats.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Sa isang Facebook post ng tanggapan, ikinakampanya nito na walang dapat maiwan, kahit pa mga hayop, sa panahon ng sakuna.