Bilang ng mga nawalan ng kuryente sa MERALCO – sumipa pa sa 125,000

Kasabay ng paghagupit ng Bagyong Carina sa bansa, ilang mga lugar na ang walang kuryente at nakararanas ng brownout.

Karamihan sa mga ito ay mga areas sa Metro Manila na lubog na sa baha.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Kaninang tanghali, pumalo na sa higit-kumulang 125,000 customers ang walang kuryente.

Halos 100,000 sa mga ito ang mula sa Metro Manila, higit 11,000 ang mula Cavite, higit 9,000 ang mula sa Rizal, higit 6,000 ang mula Bulacan, halos 500 ang mula sa Batangas, higit 300 sa Laguna, at 46 naman sa Quezon.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Kaugnay nito, tinitiyak ng Meralco ang 24/7 na pagsasaayos sa mga kuryente ng apektadong customers.