DOH, nagpatupad na ng ‘code white alert’ dahil sa mga naitatalang mga pagbaha

Idineklara na ng Department of Health (DOH) ang code white alert sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Carina na siyang nagdudulot ng pagbaha sa ilang mga lugar sa bansa.

Ang code white alert ay ang pinakamataas na alerto at paghahanda ng tanggapan / para sa kanilang mga tauhan, mga pasilidad at regional offices, at ospital.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ito ay upang mas mapagtibay ang kanilang pagbabantay sa sitwasyon, at agad na mai-report ang mga hindi magagandang pangyayaring medikal sa Health Emergency Management Bureau Operations Center.

Inilagay na rin sa code white alert ang ilang mga ospital sa Maynila

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Kasabay nito, pinag-iingat ng DOH ang publiko sa sakit na leptospirosis na maaaring makuha sa baha.

Abiso ng kagawaran – magandang magpakonsulta sa doktor 24 oras matapos ang paglusong sa baha o putik.