Mga nasawi dahil sa Bagyong Carina, Butchoy at Habagat, umakyat na sa walo

Tumaas na sa walo ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa Mindanao dahil sa mga kamakailang weather disturbances na nararanasan ngn rehiyon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dulot ito ng Tropical Cyclones Carina at Butchoy, gayundin ang Southwest Monsoon o Habagat, na nakakapekto rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read More:  House prosecutors drop bribery charge against Sara Duterte

Apat sa mga nasawi ang taga Zamboanga, tig isa sa Northern Mindanao, Davao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), habang bina-validate pa ng NDRRMC ang isa pang casualty sa BARRM.

Read More:  Fake PWD ID users estimated at 8.5 million — NCDA

Nakaapekto ang Carina, Butchoy, at Habagat sa 866,483 katao o 179,744 na pamilya sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Luzon, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Naiulat din ang pinsala sa imprastraktura na nagkakahalaga ng P8,745,923.