Pag-aalis ng POGO sa bansa, dadahan-dahanin ng PAGCOR

Handa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpapatigil ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Corportations (POGO).

Maalalang kahapon sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ay idineklara ng Pangulo ang total ban ng POGO sa bansa.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Ayon kay PAGCOR Chair Alejandro Tengco, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya na maalis ang mga operasyon bago matapos ang taon.

Ngunit ang number one concern dito ni Tengco ang mawawalang trabaho ng ilang manggagawang Pilipino, kaya’t tiniyak nitong magkakaroon ng training program ang mga maapektuhan.

Read More:  Leandro Leviste faces arrest as NBI eyes passport cancellation

Aniya, gagawin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagi-implementa at pagbabalangkas kung paanong hindi mahihirapan ang mga manggagawa.

Saad naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, inaasahan na ng ahensya ang total ban sa POGO, kaya’t matagal na nila itong pinaghahandaan.