7 LGU sa So.Cot, nasa yellow zone na ng ASF zoning

KORONADAL CITY – PITONG mga local government units o LGU na sa probinsya ng South Cotabato ang na-upgrade sa yellow zone mula sa pink zone ng African Swine Fever o ASF zoning status.

Ito ay batay sa pinakahuling ASF Zoning status na ipinalabas ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA). Ang mga ito ay ang Surallah, Tupi, Banga, Lake Sebu, Norala, Tantangan at Koronadal City na sa ngayon ay nasa surveillance zone na lamang ng ASF.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City
Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Nananatili naman sa pink zone o Buffer Zone ang Tboli, Tampakan, at Sto.Niño. Samantala ang Polomolok ay ligtas pa rin sa ASF at nananatili sa dark green zone.