PNP Camarines Sur naka full alert status ngayong SONA

CAMARINES SUR- Kasado na ang seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Camarines Sur naka full alert status ang PNP. Ito ang sinabi sa brigada News FM Naga ni PMAJ. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng pulisya sa lalawigan.

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Aniya wala silang mga aktibidad sa Lunes , nakatutok ang PNP sa seguridad. Wala naman aniya silang nakikitang banta pero nagpapatuloy ang monitoring. Wala ring humingi ng asistensya kung may gagawing kilos protesta, gayunpaman hiling nila ang payapang pagkilos.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Samantala sa Naga City, magkakaroon ng SONA ng Bayan na pangungunahan ng Bayan Camarines Sur, nakabantay rin ng Naga City Police Office para sa seguridad ng mga lalahok ay manonood.