Inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez na ilalahad ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga napagtagumpayan ng mga umiiral na programa ng administrasyon sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.
Ayon kay Romualdez, tiyak na maririnig mula sa pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa sa mga Pilipino at kung paano makatutulong ang kolaborasyon tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
Sesentro aniya sa mabilis na paghahatid ng social services ang talumpati ni Pangulong Marcos lalo na ang mga sumasaklaw sa social amelioration benefits.
Inaabangan na rin ni Romualdez ang mga bagong batas na nais maipasa ng punong ehekutibo na tutugon sa mga isyu ng economic development, kalusugan, edukasyon at imprastraktura.
Siniguro naman ng Speaker ang commitment ng Kamara na samantalahin ang legislative momentum sa kabila ng paparating na 2025 midterm elections.
Punto nito, hindi magiging balakid ang political landscape at gagawin nilang prayoridad ang pag-apruba sa “crucial bills” na nakatutok sa stability at pag-unlad.
Kung performance naman ni Pangulong Marcos ang tatanungin, binigyan ito ni Romualdez ng 10 out of 10 dahil bagama’t mayroon pang ikabubuti ang mga pagsisikap, naipamalas umano nito ang matatag na liderato sa pagtupad sa mga pangatlo noong nakaraang SONA.