Pagpapatupad ng mga pangakong binitawan ni PBBM sa mga nakaraang SONA, dapat talakayin – Senator Go

Binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagtupad sa mga pangakong binitiwan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nakaraang taon.

Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. mamayang hapon, ipinahayag ni Go ang kanyang pananabik na malaman ang progreso ng gobyerno sa pagtupad sa mga pangako, lalo na ang mga nakatuon sa pagtulong sa mahihirap na sektor ng bansa.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Bilang isang mambabatas, umaasa siya na magtutulungan ang administrasyon sa mga hakbang na makakapag-angat ng buhay ng mga mahihirap.

Bilang chairperson naman ng Senate Committee on Health, nais malaman ni Go ang mga estratehiya ng gobyerno para mapabuti pa ang sistema ng kalusugan.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Inaasahan din ng senador na tatalakayin ng Pangulo ang iba pang mahahalagang aspeto tulad ng seguridad sa pagkain, edukasyon, trabaho, agrikultura, kalusugan, isports, at kapayapaan at kaayusan na direktang nakakaapekto sa mga pinaka nangangailangan sa lipunan.