Live-in partners tiklo sa drug buy bust operation sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Tiklo ang ang isang lalaki at kinakasama nito sa ginawang drug buy bust operation ng pulisya Biyernes ng gabi sa Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas na “Ryan” 28 anyos, binata, minero at alyas “Loisa” 27 anyos, dalaga, walang trabaho na kapwa residente ng Brgy. Daguit, Labo, parehong lalawigan.

Read More:  Live-in couple, 2 others arrested in Cebu drug busts; P1.1 million shabu seized

Ayon sa report ng Camarines Norte Police Provincial Office, nakuha sa pag- iingat ng mga suspek ang isang pakete ng shabu na hindi pa batid ang halaga.

Read More:  9 LTO enforcers arrested in Agusan del Norte anti-extortion sting

Nasa kustodiya ngayon ng Basud Municipal Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.