Higit 200 bagong rehistradong SSS member sa Sorsogon, naitala sa pagsagawa ng Nationwide Caravan at Registration Day

SORSOGON CITY – Iniulat ng SSS Sorsogon Branch na umabot sa 209 bagong rehistradong SSS numbers ang kanilang naitala sa pagsasagawa ng Nationwide SSS Registration Day at caravan na nagsimula noong Hulyo 8 hanggang Hulyo 15 sa iba’t-ibang venues sa lungsod.

Dinala ng SSS-Sorsogon sa limang estratehikong lokasyon sa Sorsogon City ang kanilang serbisyo upang maabot ng mga residente na nahihirapan na pumunta sa kanilang opisina sa Brgy Guinlajon sa West District dahil sa layo nito.

Read More:  57-year-old man found dead at quarry site in Lebak

Sa nasabing caravan, naitala ang kabuuang 1, 504 na nag-avail ng serbisyo kung saan umabot sa 470 na indibwal ang nagpaverify, 164 ang nagpabago ng kanilang personal information; umabot nama sa 102 ang nagpareset ng kanilang password at iba pang transaksiyon.

Read More:  Philippine Hawk-Eagle rescued in Albay after suffering missing claw

Inilatag ng SSS-Sorsogon Branch ang kanilang services sa GSAC Gubat, SM Mall, Tricycle Terminal sa Pier Site, Brgy Cabid-an at Brgy Central sa bayan ng Casiguran.