AFP, all-set na rin sa SONA ng Pangulo sa Lunes; 500 mga tauhan nito ide-deploy upang tumulong sa PNP

All-set na rin ang Armed Forces of the Philippines para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon sa AFP, humigit-kumulang 500 tauhan nito at dalawang armored vehicles ang ide-deploy bilang suporta sa Philippine National Police.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Magiging katuwang ng PNP ang AFP sa pagtiyak ng isang ligtas at mapayapang SONA ng Pangulo.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Iginiit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nakahanda silang pangalagaan ang katatagan ng bansa.

Maaalalang, nasa 23 libong mga tauhan ng PNP ang nakahandang magbigay ng seguridad sa SONA.