Mas detalyadong SONA ng Pangulo, ipinauubaya nya sa mga Cabinet Secretaries

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na hirap syang mag desisyon kung ano ang mga isasama nya sa kanyang SONA speech sa dami anya ng mga nais nyang sabihin.

Kaya naman ipinauubaya na ng Pangulo sa kanyang mga Cabinet Secretary ang pag himay at mas detalyadong paglalahad ng kanilang mga nagawa sa kani-kanilang ahensya.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Kaugnay nito, nag organisa ng post SONA discussion na gaganapin sa araw ng Martes at Myerkules o July 23 at 24.

Tampok dito ang lahat ng ahensya ng gobyerno.

Kabilang ang mga ahensya na nasa Food Security and Economic Development Cluster, Environment Protection and Disaster Risk Reduction Cluster, Health and Social Welfare Protection Cluster, Education and Worker’s Welfare Development Cluster, Infrastructure Development and Energy Security Cluster, at ang Good Governance, Peace and Order and Security Cluster.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Nabatid na isinagawa na rin noong nakalipas na taon abg post-SONA discussion.