AFP, mahigpit nang kinondena ang pagpapakalat ng maling impormasyon sumisira sa integridad ng kanilang institusyon

Mahigpit nang kinondena ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapakalat ng maling impormasyong sumisira sa integridad ng kanilang institusyon.

Ito’y makaraang lumabas ang hiwalay na social media post kaugnay pa rin ng pag walk-out umano ng mga generals sa kalagitnaan ng isang conference kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Mariing itinanggii ng AFP ang mga walang basehang balitang kumakalat.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Malinaw anilang nililigaw ng mga impormasyong ito ang publiko.

Binibigyang-diin ng AFP ang pagiging propesyunal at pagiging matapat ng kanilang mga tauhan sa konstitusyon at sa kanilang chain of command.