DILG Sec. Abalos, kikitain ang ilang opisyal sa Luzon matapos ang sunod-sunod na krimen na nauuganay sa POGO

Nakatakdang makipagpulong si Interior Secretary Benhur Abalos ngayong araw kasama ang mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod at munisipalidad sa ilang bahagi ng Luzon.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Kabilang sa mga kikitain ng kalihim ang ilang alkalde ng Tarlac at Pampanga.

Ito’y upang paigtingin ang pagsisikap sa pagtugis sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa sunud-sunod na krimen.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Nakapagtala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission ng mahigit 400 ilegal na POGO sa bansa, na nag-udyok sa ilang mambabatas na suportahan ang pagba-ban nito sa bansa.