P83M na La Niña standby funds para sa CAR – tiniyak ni PBBM

Naglaan ang pamahalaan ng 83 million pesos na standby funds sa Cordillera Administrative Region bilang paghahanda sa La Niña.

Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi ng financial assistance sa Apayao, sinabi nitong minabuti na ng pamahalaan na mag handa ng pondo, pagkain at mga non-food items para paghandaan ang La Niña.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Binigyang diin ng Presidente na hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magsusulong ng mas magandang buhay ng mga Pilipino.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Samantala, namahagi ang Pangulo ng higit 260 million pesos na halaga ng monetary assistance sa probinsyanng Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Abra at Benguet.