Mindanao lawmaker, nanawagan sa DOE at NAPOCOR na tumulong na sa pagsasaayos ng kuryente sa Basilan

Umapela si Basilan Representative Mujiv Hataman sa Department of Energy, National Power Corporation at National Electrification Administration na makialam na sa problema sa kuryente sa kanyang lalawigan.

Bunsod ito ng napapadalas na power outage sa Basilan na nagpapahirap sa mga residente.

Binanggit din ni Hataman ang lumolobong utang ng Basilan Electric Cooperative o BASELCO sa NAPOCOR na pumalo na sa 3.8 billion pesos nitong Hunyo.

Read More:  Napolcom to probe possible liability of police linked to Tacloban school shooting

Ayon sa kongresista, ang kailangan ng BASELCO ay whole-of-problem approach at hindi band-aid solutions na lalo lamang nagpapalaki sa suliranin.

Sa halip na pag-apruba sa loans ng BASELCO para sa patingi-tinging solusyon, iminungkahi nito na pag-aralan ang financial, physical at technical situation ng kooperatiba at bumuo ng plano upang pondohan ang total rehabilitation.

Read More:  DSWD provides financial aid to students injured in Tacloban school shooting

Maaari aniyang hilingin sa DOE na ilagay sa national budget proposal ang kakailanganing alokasyon para sa rehabilitasyon ng BASELCO at hindi lamang pambili ng metro o transformer.

Hiling din ni Hataman na i-restructure ang utang sa NAPOCOR at pansamantalang ipitin ang interes upang makabangon ang BASELCO.