Ama, ayaw paaralin ang anak; pamilya yayariin kung hindi siya susundin – inaresto

Inaresto ng mga tauhan ng Rizal PNP ang isang ama na si Ronald Favila Malim, 43-anyos matapos nitong pagbantaan ang kanyang asawa’t anak sa Sitio Luwang Buwaya, Brgy Canipaan, Rizal, Palawan noong Miyerkules, Ika-17 ng Hulyo.

Sa ulat ng PNP, nag-away ang mag-asawa dahil ayaw na ng suspek na papasukin sa paaralan ang kanilang anak at pinagbantaan din nito ang kanyang pamilya na papatayin kung hindi ito susunod sa kanya.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Ang suspek ay armado umano ng Granada, home-made shotgun at mayroon pang isang boteng dinamita nang abutan ng mga pulis.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Agad na inaresto ang suspek at kinumpiska ang kanyang mga armas.

Samantala, mahaharap ito sa kasong VAWC, illegal position of firearm at illegal position of explosive device.